top of page

Ligtas, handang pagbubukas ng klase para sa BulSUans, isinulong

Writer's picture: The CommuniquéThe Communiqué

Sheila Talusan

August 02, 2023 Dinaluhan ng mga student publication, partido politikal, at ilang representante ng Konseho ng Mag-aaral ng BulSU ang agarang pulong sa pangunguna ng Office of the Student Regent (OSR) kahapon, Agosto 1. Layon nitong pagtibayin ang binubuong petition letter na ipapadala sa administrasyong Gascon hinggil sa pagbubukas ng klase sa Agosto 7 matapos ipailalim sa state of calamity ang probinsiya ng Bulacan. Pinagbatayan sa pagbalangkas ng petisyon ang 400 mag-aaral na tumugon sa AGAPAY BulSUan Sensing Forms mula noong Hulyo 28.


Lumabas na mayroong: 161 apektado ngunit ligtas; 144 kasalukuyang binabaha; 12 ang lubos na apektado at kailangan ng tulong; walo ang kinailangan mag-evacuate; tatlo ang walang kuryente, tig-isa ang hirap humanap ng signal at may baha sa kanilang main road ngunit ligtas; habang 70 ang nasa kaligtasan. Inilatag sa pulong ang mga posibleng resolusyon na magsusulong sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro na nasa ilalim pa rin ng pagkakasalanta:

  1. Ikokonsidera ang unang linggo ng pasukan bilang "recovery week" kung saan igugugol ang panahon na ito upang mag counter check sa mga mag aaral at maisaayos ang enrollment errors sa mga enrollees.

  2. Hindi ire-require ang agarang pagkakaroon ng klase sa mga estudyante at mga guro na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo ngunit hindi hahayaan na makaapekto ito sa sweldo ng guro mapa-regular man o part-time.

  3. Pansamantalang papayagan ang pagsusuot ng shorts at tsinelas sa loob ng pamantasan at hindi magiging mandato ang pagsusuot ng uniform sa una hanggang ikalawang linggo ng pasukan para sa mga mag-aaral na apektado ngunit susunod pa rin sa panuntunan ng Article II, Section 13 ng Magna Carta of Students.

  4. Pagbibigay ng karapatan sa mga mag-aaral na gumagamit ng motorsiklo o bisikleta na gumarahe sa loob ng pamantasan mapa-guro man o estudyante sa kondisyon ng pagpapakita ng COR at ID.

  5. Kahilingan na magkaroon ng agarang anunsyo ng suspensyon ng klase tuwing may magla-landfall na bagyo.

  6. Dagdag na panahon sa pagpapasa ng mga rekisito para sa shiftees, transferees, returnees, at enrollees

  7. Muling pagbubukas ng enrollment para sa mga estudyanteng hindi nakaabot sa kanilang scheduled date dahil sa problema sa portal o internet connection.

  8. Hihilingin din ang extension para sa mga estudyanteng may internship program sa pagpapasa ng kanilang mga portfolio, pagtatapos ng shift, at pag-e-encode ng grades mula sa kani-kanilang coordinator hanggang sa unang linggo ng September o bago matapos ang buwan ng August.

  9. Pagbubukas muli ng accessibility sa online document procedures para sa mas ligtas na proseso sa mga dokumentong kinakailangan ng mga estudyante.

  10. Huling tinalakay ang ocular at pagsasaayos ng drainage systems sa iba't ibang campus ng BulSU para sa nag-iisang hakbangin sa paghingi ng tulong sa mga pangunahing opisina na dapat tumugon dito.


Sundan ang link para sa “pulidong” petition letter: https://tinyurl.com/4wfeekma

146 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page