Ilang administrasyon man na ang dumaan, hindi maipagkakailang wala pa ring patid ang kaliwa’t kanang pambubusal; gayundin ang patuloy na banta sa hanay ng mga mamamahayag o kampus pahayagan. Sa kabila ng Republic Act (RA) 7079 o Campus Journalism Act (CJA) na anila layong kilalanin at protektahan ang ating karapatan, namumutawi pa rin ang atake sa malayang pamamahayag— nananatili pa ring hinihiraya at malayo sa atin ang kalayaan na magpamulat at magpahayag. Dulot na rin ito nang pagbuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mas nagpaigting sa isyu ng red-tagging, at kultura ng pasismo sa bansa. Dagdag pa ang buhay na isyu ng panggigipit sa mga kampus pahayagan na makapaglimbag dahil sa kawalan ng badyet na dapat sana ay natatamasa nito.
Kaya naman ngayong araw, kasabay ng ating pagtanaw sa National Campus Press Freedom Day ay ang pagbubukas ng bagong taon para sa publikasyon. Mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, magpapatuloy ang pagkilos at layuning makapaglingkod sa masa sa pamamagitan ng paglikha’t pagbabalita. Sa kabila ng iba’t ibang uri ng pananakot at paglilimita, magpapatuloy ang kritikong diskurso at pagmumulat.
𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼, 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻.
The Communiqué Editorial Board for the A.Y 2023-2024
Editor-in-Chief: Anamarie Antolin
Associate Editor: John Hurt Allauigan
Managing Editor for Administration: Bedylyn Pacete
Managing Editor for Finance: Margareth Anne Capule
News Editor: Exequiel Agulto
Assistant News Editor: Angelica Toyama
Features Editor: John Carlo de Guzman
Opinion Editor: Aileen Mae Ganuhay
Development Communication Editor: Aliza Arcilla
Sports Editor: Joshua Emmanuel Dionisio
Literary Editor: Jade Alyssa Pellosis
Photojournalist Coordinators: Patricia Jaime & Vittorio Bamba
Art Director: Cyriel Valeroso
Online Manager: Nash Ville Villena
Circulations Manager: Denise Joy Nicolas
Comentários