Esther Clemente
December 14, 2023
PANOORIN: Trailer ng Pelikulang 'Alma: Baliktarin ang Tatsulok' ng Dagitab Production
Ginawaran ng Best Film award ang pelikulang "Alma" sa ginanap na Gabi ng Parangal para sa Sineng Mulat, Sining Mulat Film Festival nitong Miyerkules, Disyembre 13.
Laban sa walo pang ibang mga pelikula, kabilang din sa mga nasungkit ang Best Film Poster, Best Editing, Best Cinematography, Best Actor Best Supporting Actor, Best Screenplay, at Best Film Director.
Sa panayam sa direktor ng pelikula na si Drake Esguerra, inihayag niyang umikot ang istorya ng 'Alma' sa kuwento ng isang aktibistang mag-aaral.
"Tungkol po ito [Alma] sa buhay ng isang mag-aaral na aktibista na patuloy pong lumalaban sa mga kurapsyon at pagiging unjust ng gobyerno kahit na mahirap at masakit na ang mga danas niya sa buhay," ani Esguerra.
Narito rin ang kabuoang listahan ng mga nagwagi sa Film Festival:
• Best Film: Alma
• 1st Runner Up: Katok
• 2nd Runner Up: Putang Inakala
• Best Film Poster: Alma
• Best Production Design: Andrea Magdaong of Katok
• Best Musical Score: Arabela Dianne Enriquez of Adlaw
• Best Editing: John Edward Raymundo and Drake Esguerra of Alma
• Best Cinematography Award: John Edward Raymundo of Alma
• Best Screenplay: Alma
• Best Actor - Sherwin Custodio of Alma
• Best Actress - Alicia Gregorion of Katok
• Best Supporting Actor: Jillian Castillo of Alma
• Best Supporting Actress - Ryza Santiago of Putang Inakala
• Best Director: Drake Esguerra of Alma
• Special Award: Baon
Sa huli, nag-iwan ng mensahe ang isa sa mga hurado na si G. Robert San Luis para mga bagong manlilika ng pelikula.
"I hope na sa mga susunod nilang pelikula is to research more, to interview more, and to seek more," saad ni San Luis.
Ang SMFF 2023 na may temang "Ang Sining ng Sine sa Pagmulat ng Bayan" ay ang unang taon ng Film Festival sa pangunguna at nilahukan ng mga likhang pelikula ng mga mag-aaral mula sa Bachelor of Arts in Broadcasting-1.
Comments