top of page

Pacesetter, humakot ng parangal sa RHEPC 2024

Writer's picture: The CommuniquéThe Communiqué

Updated: Jan 14, 2024

Azriel dela Cruz at John David Luna

January 13, 2024


Muling sumungkit ng kabi-kabilang parangal ang Pacesetter, opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) laban sa 474 na delegado at 34 na mga publikasyon sa ginanap na Regional Higher Education Press Conference (RHEPC) 2024 sa Palm Cabanas Resort, Arayat, Pampanga nitong Enero 11-13. 


Kaugnay ng pagpapaunlad ng kampus pamamahayag, pinangunahan ng Association of Tertiary School Paper Advisers of Region (ATSPAR) III at Young Journalists Association of Region III ang 22nd RHEPC na may temang: “AI and Ethics: Shaping the Future of Campus Journalism in the Digital Age.”


"Back on track!," saad ni Amiel Antonio, Editor-in-Chief ng Pacesetter, sa kaniyang Facebook post matapos masungkit ng publikasyon ang unang pwesto sa tatlong group/collaborative category; Tabloid, Newsletter, at Magazine, kung saan 14 na gintong medalya ang kanilang naitala.


Newsletter

  • 1st Place, Overall

  • 3rd Place, News Page

  • 1st Place, Editorial/Opinion Page

  • 1st Place, Development Communication Page

  • 1st Place, Sports Page

  • 3rd Place, Feature Page

  • 1st Place, Literary Page

  • 6th Place, Page Layout


Tabloid

  • 1st Place, Overall

  • 4th Place, News Page

  • 1st Place, Editorial/Opinion Page

  • 1st Place, Development Communication Page

  • 2nd Place, Sports Page

  • 4th Place, Feature Page

  • 1st Place, Literary Page

  • 5th Place, Page Layout


Magazine

  • 1st Place, Overall

  • 1st Place, News Page

  • 1st Place, Editorial/Opinion Page

  • 1st Place, Development Communication Page

  • 3rd Place, Sports Page

  • 1st Place, Feature Page

  • 1st Place, Literary Page

  • 1st Place, Page Layout

  • 1st Place, Cover Design


Nakuha ng Pacesetter ang ikatlong pwesto sa Overall Ranking para sa group/collaborative category kung saan 24 na puntos lamang ang pagitan nito sa Sinukuan Gazette na nakakuha ng unang pwesto.


Samantala, narito naman ang listahan ng mga nagkamit ng parangal sa mga individual category:


  • Maru Carlos, 1st Place, Digital Editorial Cartooning at 5th Place sa Digital Comic Strip Writing 

  • John Rhey Piamonte, 2nd Place, Sports Writing 

  • Samantha Dela Cruz, 3rd Place, Tradisyunal na Pagguhit ng Kartun

  • Art Julius Castro, 3rd Place, Traditional Literary Graphics Illustration 

  • Clark Maglaque, 4th Place, Tradisyunal na Pagguhit ng Kartun

  • Kurt Husty Victoria, 4th Place, Pagsulat ng Tula

  • Mylene Lovelyn Tumamak, 4th Place, Layouting at 8th Place sa Infographics 

  • Mariah Angelica Tolibas, 4th place, Photojournalism

  • Amiel Antonio, 5th place, Pagsulat ng Balita at 9th Place sa Pagsulat ng Lathalain

  • Ron Jeric Faustino, 5th Place, Pagsulat ng Isports

  • Francheska Sayo, 5th Place, Digital na Pagguhit ng Komiks

  • Nathaniel Valles, 7th place, Copyreading and Headline Writing

  • Dustin James Bayog, 7th place, Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita at 10th place din sa Pagsulat ng Pangulong Tudling

  • Kristel Anne Vadal, 8th Place, Feature Writing 

  • Leonard Andrei Cabalona, 10th Place, Pagsulat ng Opinyon


Laban sa 34 na mga publikasyon sa patimpalak, nasa ikawalong pwesto din ang publikasyon na may 105 na puntos sa Overall Ranking ng individual category. 


Dagdag pa rito, nakuha rin nito ang ikawalong pwesto sa Outstanding Coaches sa individual category habang ikatlong pwesto naman sa group/collaborative category. 


Inaasahan namang ilalaban ang mga awtput nito at irerepresenta ng mga nakapasok sa Top 5 ang Rehiyon III para sa 2 Luzon-wide Higher Education Press Conference (LHEPC) 2024 na gaganapin sa Naga City.


118 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page