top of page
Writer's pictureThe Communiqué

Klase, trabaho sa Bulacan, suspendido

Chello Gonzales

September 04, 2023

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bulacan mula Setyembre 4 hanggang Setyembre 5.


Ayon sa memorandum na inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan nitong umaga, inirekomenda ng Provincial Disater Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga suspensiyon upang makaiwas at makapaghanda ang mga Bulakenyo sa anomang panganib na dulot ng pag-ulan.


Kasabay nito, suspendido rin ang lahat ng pasok sa trabaho sa mga pampublikong tanggapan liban sa mga nagbibigay ng emergency/health/social at mga katulad na serbisyo, mula ika-2 n.h., Setyembre 4.


Dagdag naman ng PDRRMC, maaaring magdulot ang pag-ulan ng pagbaha kasabay ng pagtaas ng tubig sa mga coastal areas sa probinsiya. Para rin umano hindi maantala ang mga klase, “itinatagubilin ang pagsasagawa ng online classes sa mga nasabing araw.”


Batay sa Tropical Cyclone #19 ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, kabilang pa rin Bulacan sa mga lugar na patuloy na makararanas ng pag-ulan hanggang bukas sanhi ng hanging habagat na pinapalakas ng kalalabas sa Philippine Area of Resposibility na Typhoon Hanna.

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page