top of page
  • Writer's pictureThe Communiqué

Espasyo

Clyn Star Hombre

September 06, 2023


Konting usod pa po sa kaliwa,

"Kasya pa lima!" sigaw sa'min ni kuya,

Konting usod pa, usod na kaya?


Ang sikip!

H'wag naman kayo mangitgit,

Konting usod pa, konting pilit.


Hanggang kailan ko ba pagpipilitan?

Kapag nakapagtapos na 'ko sa paaralan?

Eh, bakit may titser at nars sa'king magkabilaan?


Pansin ko lang ho kasi,

Malawak ang opisina ng mga negosyante,

Kabaliktaran sa upuan ng mga pasaherong babiyahe


Siguro po, hangga't nakaupo'y elitistang matapobre,

Kukulangin ang ating swerte,

At hindi rin luluwag ang ating biyahe.

7 views0 comments

Comments


bottom of page