top of page
Writer's pictureThe Communiqué

Malolos LGU, kabilang sa kontra sa akto ni Pura Luka Vega

Updated: Sep 14, 2023

Alyssa Domingo

September 14, 2023


Nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Malolos ng resolusyon ng pagkundena kay Pura Luka Vega sa paskil nito noong Setyembre 13. Batay sa 58th Regular Session ng Sanggunian noong Agosto 22, nakasaad sa City Resolution No. 254-2023 ang pagtutol sa nag-viral na "Ama Namin Remix" at mga aktibidad sa Drag ni Amadeus Fernando Pagente a.k.a. Pura Luka Vega na ayon dito ay "insensitibo" at "kasamaan."

Itinuturing din si Vega na "unwelcomed” at “undesirable individual" o hindi katanggap-tanggap sa lungsod.

Maliban sa pangungundena ng Malolos, Bulacan ay pinatawan din ng iba pang mga Sanggunian at Pamahalaang Lokal si Pura Luka Vega ng Persona non Grata o pagbabawal na makapasok sa lugar.

Maaalalang unang nagdeklara ang Sangguniang Bayan ng Floridablanca, Pampanga noong Hulyo 17 at sinundan ito ng General Santos City noong Hulyo 18.

Kasalukuyang 17 na ang nagdeklara ng Persona non Grata kay Pura Luka Vega.

Kabilang dito ang Negros Occidental, Bukidnon Province, Dinagat Islands, City of Manila, Cagayan de Oro City, Nueva Ecija, Laguna, Toboso sa Negros Occidental, Mandaue City, Lucena City, Batangas City, Cebu City, Occidental at Oriental Mindoro. Basahin ang kabuoan ng City Resolution No. 254-2023:



9 views0 comments

Comments


bottom of page